Friday, July 6, 2012

Uri ng Parirala

Uri ng Parirala
Pariralang Karaniwan
Ito ay binubuo ng panuring at pangngalan.
Halimbawa: Ang ating bansa ay sagana sa likas na yaman


Pariralang Pang-ukol
Ito ay binubuo ng pang-ukol at ang layon nito.
Halimbawa: Huwag kayong gagawa ng labag sa batas

Parilalang Pawatas
Ito ay pagsasama ng pawatas na anyo ng pandiwa at ng layon nito.
Halimbawa: Ang magsabi ng katotohanan ay mahirap gawin minsan

Parirala sa Iba't Ibang Anyo ng Pandiwa
Ito ay binubuo ng pandiwa na nasa iba't ibang panauhan at layon
Halimbawa: Ang nagdurusa sa kasalanan ng lider ay ang mga mamamayan



Parirala sa Pangngalang Diwa
Pagsasama ng panlaping pag + salitang ugat + pag-uulit ng unang pantig ng salitang ugat + layon nito.
Halimbawa: Ang paglalakad sa batuhan ay mahirap


Pariralang Pandiwa
Pagsasama ng panlaping naka + salitang ugat + layon nito o kaya ay pagsasama ng pantukoy na ang + pang-ngalang diwa + layon nito.
Halimbawa: Ang nakatayo sa unahan ng klasrum ay ang pinakamahusay na mag-aaral


Gamit ng Parirala sa Pangungusap
Pariralang Pangngalan
Ang parirala ay ginagamit bilang isang pangngalan.
Halimbawa: Ang tanging pinahahalagahan ni Dingdong ay "ang pagmamahalan nila ng kanyang kasintahan."


Simuno
Ang parirala ang pangunahing diwa ng pangungusap.
Halimbawa: Lagi tinatandaan ni Domeng ang ukol sa kanyang kinabukasan
ang mabuting mamayan ay nagbabayad ng buwis


Kaganapang Pansimuno
Ang parirala ay ipinapakilala ang simuno
Halimbawa: Ang tinalakay nina Feliz at Edward ay tungkol sa ikauunlad ng bayan.


Pamuno sa Simuno
Ang simuno at ang pariralang nasa bahagi ng paksa ay iisa lamang.
Halimbawa: Si Gail, ang pinuno ng aming klase, ay isang manunulat na.
si hang baldo ay naka tira sa imus cavite .... at mahilig siyang magbugarets at malibog siya .... thank you po sa lahat ng nagbukas ng site nato salamat po ulit.


Pariralang Pang-uri
Ang parirala ay ginagamit upang mag-bigay turing sa pangngalan o panghalip.
Halimabawa: Si Bianca ay isang babaeng may kalukahan.


Pariralang Pang-abay
Ang parirala ay nagbibigay turing sa mga pandiwa, pang-uri, o sa isa pang pang-abay.
Halimbawa: Ang klase ay nagaaral ng tahimik.

6 comments: