Wednesday, August 8, 2012

Paano mo malalaman kung matalino ang isang tao?



Paano mo malalaman kung matalino ang isang tao?


Maraming tao dito sa mundo na hindi natin nalalamang matalino pala! Baka tinatago lang talaga nila ang angkin nilang galing or baka di lang talaga natin sila napapansin. Ito ang ilan sa mga palatandaan na matalino ang isang tao.


They listen rather than talking. Sila yung mga taong mas gugustuhing makinig ng mga opinion at ideya ng ibang tao kesa sa ilahad yung mga nasa isip nila. Alam kasi nilang mas natututo sila kapag nakikinig. Tahimik at focus sa klase, ilan yun sa mga palatandaan na talagang nakikinig sila.

Hinding-hindi sila gagawa ng bagay to make you look stupid. Alam ng mga matatalinong tao ang pagrerespeto sa kanilang kapwa. Kaya naman kapag nagkamali ka or nag-commit ng isang mistake/wrong answer, di ka nila pagtatawanan, sa halip ay tutulungan ka nila at maghahanap ng tamang bagay sa maling nagawa mo.Disciplined. Kapag may mga assignments or activity, ginagawa niya talaga ang mgatoh on the right schedule o oras.

Alam niya ang mga priorities niya at ang pagbabalanse ng schedule niya. Hindi siya basta-bastang gumagala at humahanap ng libangan. Ang pag-aaral ang mismong libangan niya.

Hobby niya ang manuod ng mga movies. Isa sa mga rason na matalino ang isang taoay dahil sa mga pelikulang pinapanuod niya. Ang matatalinong tao ay nanunuod ngmga movies na magagamit ang analytical skills mo. Kagaya ng mga spy and mysterymovies. Sila din yung mga taong focus talaga kapag nanunuod ng pelikula, ayaw nilang madisturbo kapag nanunuod at gusto talaga nilang malaman ang thought ng movie.

They know lots of things other than what they’re specialized in. May mga bagay na alam nila na hindi natin nalalaman. Siguro natatandaan lang talaga nila ang mga bagay na hindi natin medyo napapansin. Puno sila ng mga trivias na mapapanganga tayo kapag ilalahad niya sa atin ang mga ito. May mga history ng mga bagay-bagay na alam niya at talagang naiintindihan niya.Nagmimistula siyang isang walking Wikipedia.

Para saakin lahat naman siguro tayo ay matatalino, pero nasa atin na rin yun kung paano natin dadalhin yung mga sarili natin. May nakapagsabi na saakin na walang taong bobo pero may mga taong tamad at sangayon na sangayon lang naman talaga ako sa sinabi niya. Ikaw ? Matalino ka ba ? ☺

P.S This is a repost from another certain blog J

P

4 comments: